Skip to main content

FINAL SCHEDULE-NEW QUARANTINE PASS:

FINAL SCHEDULE-NEW QUARANTINE PASS:

Narito na po ang Final Schedule at ang ating opisyal na pahayag para sa mga bagong ipapamahaging quarantine pass.Marami po ang nagtatanong kung

bakit po tayo may bagong schedule at bagong Quarantine pass. Una, para po uniformed ang magiging guidelines natin sa paggamit, ngayon po ay parepareho na po na binibigyan ng 2 x /week ang bawat isa para lumabas at bumili ng mga kakailanganin nila. Isa pa po sa naging problema sa naunang quarantine pass ay ang nadiskubre po na may mga lumabas na quarantine pass na fake at yung iba po ay may hawak na sobra sa isa. Sa bagong quarantine pass po hindi na nila basta basta madu- duplicate.

Muli po ay humihingi po kami ng tulong at pang unawa sa inyo na sana po ay magtulungan tayo para sa mas maayos na sistema sa paglaban po natin sa Covid-19. Pakiusap po namin, HUWAG PONG MANIWALA SA FAKE NEWS. Maniwala lamang po tayo sa mga opisyal na pahayag mula sa ating Lokal na Pamahalaan.Maraming samaiiwasan

Paalala po: Narito po ang inyong gabay sa mga madalas na katanungan tungkol sa Quarantine pass:

1. Kelan epektibo ang Quarantine Pass (QP)?
Sagot : March 25, 2020 (Wednesday)

2. Papaano kami magkakaroon ng QP?
Sagot: Ito po ay ibibigay ng brgy. council house to house.

3. Para saan ang QP
Sagot: Ito ay magagamit para (a) makabili ng pagkain sa palengke sa sa araw at oras na nakatakda, (a) para sa medical needs, pagpunta sa banko at money transfer at pagkuha ng travel permits palabas ng bayan ng Victoria at paggamit ng travel permit palabas ng Victoria.

4. Sino ang maaaring gumamit ng QP?
Sagot: Tanging ang nakalagay na pangalan lamang sa QP ang maaaring gumamit at kung di maiiwasan kailangan magbigay ng authorization sa taong uutusan nya na may kalakip na ID, di maaaring gumamit ang senior citizen, bata, buntis, at may sakit sila ang madaling kapitan ng COVID maliban na lamang kung sila ay identified na “head of household”.

5. Sino sino ang hindi sakop sa QP?
Sagot: ang mga sumusunod ay hindi na nangangailangan ng QP: nagtratrabaho sa food production processing and distribution, banko, public market, drug stores, health workers, front liners, electric companies, telecom companies, gasoline station, water refilling station. Magpakita lamang po ng ID at Certificate of Employment kung kinakailangan.

 

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!