
Family Planning Month Celebration
Bilang pakikiisa ng bayan ng Victoria sa selebrasyon ng Family Planning Month na may temang “Usap Tayo sa Family Planning para sa Protektado ang Pamilyang Pilipino” ay nagkaroon tayo ng libreng check up at namahagi po tayo ng mga libreng contraceptives para sa mga kababayan nating naghahangad ng epektibong birth spacing.
Ayon sa Department of Health ang sapat na agwat sa pagkakaroon ng anak ay nasa tatlo hanggang limang taon. Kaya naman nagkaroon din po tayo ng libreng seminar para sa ating mga kababayan upang paigtingin pa ang Family Planning Program na pinapatupad sa ating bayan. Mahalaga po ang Family Planning upang mabigyan ng sapat na atensyon, nutrisyon at edukasyon ang ating mga anak.
Ang programa pong ito ay handog sa atin ng Provincial Government of Tarlac- Gov. Susan Yap, Vice Gov. Carlito David sa pakikipag-unayan po ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam, SB Members at RHU1 & RHU2 Maraming salamat din po sa EasyReachPH at sa ating taga Pagsalita Dr. Richard Jordias, MD.