Skip to main content

“ECO-BRICKS”


“ECO-BRICKS” mula sa mga Non–reCYclable materials
Ang Pilipinas po ay isa sa tinatawag na “sachet economies” kung saan ang mga produkto ay nire repack at ibinebenta na nakalagay sa mga one-off plastic packets kasama rin dito ang mga botelya na bagamat maaring gamitin muli ay nakakadagdag din sa mga kalat sa ating kapaligiran.
Ayon sa pagaaral po ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) noong 2019, napag-alaman na ang Southeast Asia ay gumagamit ng 60 billion plastic sachets kada taon.
Isa po sa adbokasiya ng ating administrasyon ay ang pangangalaga sa kalikasan, dahil po dito nagkaroon po kami ng inisyatibo at umisip po tayo ng mga paraan upang mabawasan ang mga plastic, mula sa pagiging “polluters” ay ginagawa po natin itong epektibong solusyon sa plastic waste problem ng Victoria at ng bansa. Mula po sa mga plastic, botelya at iba pang non–reCYlable materials ay nakagawa po tayo ng mga eco-friendly bricks o “ecobricks”.
Ang ating ecobricks po gawa sa mga plastic laminates na ginigiling po natin at inihahalo sa semento. Ang mixture ay ibinubuhos po natin sa brick-shredding machine at bottle crusher at ang mga finished products po ay magagamit sa pagagawa ng mga infrastructures na ginagamitan ng mga bricks.
Maraming salamat po sa ating MENRO at MRF personnels sa patuloy nilang pagsisikap na panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa ating kapaligiran.
#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#KalikasanMuna
#reCYcle
#plasticfree
#savetheplanet
#ecobricks

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!