
DSWD – SUSTAINABLE LIVELIHOOD PROGRAM PAYOUT
Ginanap po ngayong araw ang payout para 99 na beneficiaries natin para sa SLP o Sustainable Livelihood Program para sa bayan ng Victoria.
Ang SLP po ay isa sa tatlong pangunahing programa ng DSWD na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga mamayang salat sa pangunahing pangangailangan.
Sa ilalim po ng programa, ang mga kwalipikadong indibidwal ay mabibigyan karagdagang kakayahan na mapaganda ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pag-akses at pagkakaroon ng kinakailangang asset upang magkaroon ng maayos na na pagkakakitaan.
Ang SLP ay ipinatutupad sa lahat ng rehiyon at mga probinsiya sa buong bansa, maging sa mga munisipyo kung saan mas mailalapit ang programa sa mga higit na nangangailangan.
Maraming salamat po sa DSWD, Lokal na Pamahalaan ng Victoria sa pangunguna po ni Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex Villa Agustin, SB Members at sa lahat pong ating mga kababayan nakiisa sa naturang program.
#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#ParaSaMaunladNaVictoria