Distribution of Buntis Kits

Nakasalalay po sa paga-alaga ng ina sa kaniyang sarili at kanyang anak sa loob ng First 1000 days ang kinabukasan ng isang bata upang maging matalino, maliksi, matagumpay at kapakipakinabang sa pamilya at lipunan.

Sa First 1000 days nahuhubog ang mental at pisikal na pangangatawan ni baby. Nagsisimula ito sa pagbubuntis hanggang sa ika-2 taon ni baby. Kaya naman namahagi po tayo ng mga buntis kits para sa ating mga kababayan na kanila pong magagamit, ito po ay sa kagandahang loob ng DOH, National Nutrition Council, LGU Victoria sa pangunguna po ni Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex Villa Agustin, SB Members, RHU at isang taos-pusong pasasalamat din po ang aming ipinaabot sa ating Ina ng Bayan ng Victoria na si Ma’am Melissa Yeung Yap sa patuloy na pagsusulong ng adbokasiya tungo sa malusog at ligtas na pagbubuntis. #SerbisyongMaYAP #GobyernongmaYAP #DitoSaVictoriaTaoAngUna #KalusuganMuna

« of 2 »

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
https://www.facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac