DEPARTMENT OF TOURISM- RAPID TOURISM ASSESSMENT – CANAREM LAKE BIRD SANCTUARY

Binisita po tayo ng Department of Tourism Region III sa pagunguna ni Sir Christian Lingat at Ma’am Maan Banawa na nagsagawa po ng Rapid Tourism Assessment sa Canarem Lake Bird Sanctuary, pangunahing layunin po ng ginawang assessment ang pagbibigay ng prayoridad na tulong na maari pong maibigay ng Department of Tourism para sa bayan ng Victoria particular sa Canarem Lake na itunuturing na rin na isa sa pinakamahalagang Wetland sa bansa.
Ang Canarem Lake Bird Sanctuary po ay isa sa mga ipinagmamalaki ng ating bayan sa larangan ng Ecotourism, dito matatagpuan po ang 96 species ng mga ibat-ibang ibon at iba pang mga hayop na naninirahan sa lugar. Ang latian ay nagsisilbing kanlungan rin ng mga ibon mula sa Ibat-ibang bansa tuwing taglamig kung saan bahagi ang Pilipinas ng tinatawag na ng East Asian Australasian Flyway. Mapalad po tayo sapagkat isa ang Canarem Lake sa dirarayo nilang lugar dahil sa kaayaaya nitong kondisyon, komportableng klima at sagana sa pagkain. Layunin din po ng mga programa ng ating pamahalaan ang pangangalaga sa habitat ng ibang mga hayop sa nasabing wetland.
Maraming salamat po sa Department of Tourism Region III, Ma’am CAROLINA D. UY – Director, RO III, Sir Christian Lingat at Ma’am Maan Banawa.
Taos-pusong pasasalamat din po kay Governor Susan Yap at Cong Christian Yap at sa Tarlac Tourism Pgt na parati pong naka alalay at naghahatid ng tulong para sa Canarem Lake, gayundin po sa ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna po ni Mayor Rex Villa Agustin, na isa sa masigasig na nagsusulong na mapangalagaan ang ating Bird Sanctuary, kasama rin po ang ating Vice Mayor, VM Tani Guiam at Sangguniang Bayan Members na sila naman po ang pangunahing tumutulong sa atin para sa mga resolusyon patungkol sa Canarem Lake, Salamat din po sa ating Victoria Tourism Office- Ma’am Lea Gracia , Victoria Prod Team/ at Canarem Lake Development Team.
#mayorREX
#canaremlakebirdsanctuary
#visitvictoria
#birdsofcanaremlake
#sustainableecotourism
#protectthelake

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac