
Department of Information and Communications Technology o DICT
Ngayong humaharap na po tayo sa “New Normal” ay malaki po ang gagampanang papel ng teknolohiya sapagkat mas marami po ang umaasa ngayon sa paggamit ng digital platforms sa trabaho, pag-aaral, negosyo atbp.
Kaya naman po ang ating Lokal na Pamahalaan ay nakipagtulungan saDepartment of Information and Communications Technology o DICT upang magkaroon po tayo ng mga kagamitan na makakatulong po sa ating mga kababayan na nangangailangan ng serbisyo na may kinalaman sa teknolohiya at impormasyon at kaakibat na rin po nito ang pagkakaroon ng accesible ICT services para sa ating mga kababayan.
Ang mga kagamitan po ay ilalagak natin sa 2nd floor ng ating pamilihang bayan at maari po itong magamit ng mga kababayan natin na nangangailangan ng mga computers na magagamit nila hindi lamang sa pag-aaral kundi na rin sa pagpapalawig ng komunikasyon at mga pangunahing impormasyon.
Maraming Salamat po DICT, Sa ating butihing Mayor Christian Tell A. Yap,VM Rex Villa Agustin, SB Members at sa Lokal na pamahalaan ng Victoria.