Skip to main content

DAY 3: REVIEW OF CAPACITY DEVELOPMENT AGENDA (CDA) & LGU RE-ORIENTATION ON PERFORMANCE MANAGEMENT


Sa pangatlong araw po ng ating pagsasanay ay tinalakay po natin ang mga sumusunod:
Nagkaroon po tayo ng Review at natapos na rin po ang Capacity Development Agenda (CDA) na bahagi pa rin po ng atin Executive – Legislative Agenda na pinagunahan po ni DILG-Cluster Team Leader LGOO VII sir Fortunato Abraham III at ng ating MLGOO Ma’am Cherry Eve Mesina.
Sa araw rin po na ito ay dumating na po ang mga kawani ng ating LGU para sa Re-Orientation ng ating Performance Management System na pinangunahan ni DIR. Maria Cristina Gonzales – CSC-Tarlac Field Officer at ng ating HRMO, Ma’am Angelina Arabia.
Ang performance management system po ay ang ginagamit na pamamaraan para sa tracking ng performance ng mga empleyado . Sinisuguro ng naturang sistema na ang lahat ng departamento sa loob ng organisasyon ay epektibong nagagampanan ang kanikanilang mga gawain tungo sa pag-abot natin ng ating strategic goals. Kasama din po sa mga tinalakay ay ang task at success indicators.
Kabilang po ang mga sumusunod sa benepisyo ng PMS:
• Consistency sa ating performance management processes
• Pagpapabuti ng training processes at pagkilala sa mga gaps o lags sa organisasyon.
• Mas maayos na feedback para sa mga empleyado sa mga key datas.
• Pagpapaunlad sa ating employee engagement sa pamamagitan ng mas maayos na pagtukoy sa papel ng bawat .
• Streamlining ng performance management review process
Sa pagtatapos po ng naturang seminar ay ipinakita pong muli ng mga kawani ng ating LGU ang ating pagkakaisa.
Maraming maraming salamat po sa ating Mahal na Punongbayan, Mayor Rex Villa Agustin, Vice Mayor Tani Guiam, SB members, Department heads, mga kawani at kay Cong Christian Yap sa pagdalo po sa ating PMS Seminar.
#maunladnavictoria
#MayorRVA
#para

« of 2 »
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!