COVID-19 VACCINE


Ang pagpapabakuna ay isa sa pinakamahahalagang instrumento para po mawakasan ang pandemya. kaya naman nitong nakaraang araw ay nakuha na po natin ang bakuna mula sa Tarlac Provincial Office, ang nasabing bakuna po ay para muna sa ating mga health care workers at frontliners na araw-araw na lumalaban at humaharap sa pandemya upang masiguro po na ligtas ang mga mamamayan ng Victoria. Ang bakuna sa COVID-19 ay ligtas at mabisa. Bago pahintulutan para magamit, ang lahat ng bakuna sa COVID-19 ay nasubukan sa mga klinikal napagsubok na kinasasangkutan ng libong mga tao upang matiyak na natutugunan nila ang mga pamantayan sa kaligtasan at protektado ang mga may sapat na gulang na may iba’t ibang edad, lahi, at etniko. Maraming salamat po sa Provincial Government of Tarlac sa pangunguna po ni Gov. Susan Yap, Vice Governor Atty. Carlito David at SP Members, Local Government of Victoria sa pangunguna po ng ating masipag na Punongbayan, Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex Villa Agustin, SB Members, sa bumubuo po ng ating Rural Health Unit I & II.

#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#parasaligtasatmalusognavictoria
#ditosavictoriataoanguna
#kalusuganmuna
#labananangcovid19

« of 2 »

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac