Skip to main content

CLARAA MEET 2024: Opening Ceremonies

Pormal na pong binuksan ang CLARAA o Central Luzon Regional Athletic Association Meet ngayong taon kung saan maptapos ang 15 taon ito ay gaganapin muli sa Probinsiya ng Tarlac.
Sa pagbubukas ng CLARAA Meet ay muling ipinamamalas ng mga kabataang atleta ang kanilang husay at sa iba’t ibang larangan ng palakasan. Mula sa athletics, swimming, basketball, volleyball, hanggang sa mga tradisyunal na laro ng Pilipinas tulad ng arnis, at sepak takraw.
Ang CLARAA ay nagbibigay ng plataporma para sa mga kabataan na maipamalas ang kanilang husay at magkamit ng karangalan para sa kanilang pamilya, paaralan, at lalawigan.
Bilang suporta, ang naturang pagbubukas na ginanap sa Jose V. Yap Sports and Recreational Park, ito ay dinaluhan po ng ating masipag na Ina ng Probinsiya, Gov. Susan Yap at mga Provincial Officials, ganon din po ng ating 2nd District Representative, Cong. Christian Yap, mga Mayors kabilang na ang Ama ng ating bayan na si Mayor Rex Villa Agustin, sa suporta na rin ni Vice Mayor Tani Guiam at SB Members.Dumalo din po sina Sen. Imee Marcos, Sen. Bong Go at Sen. Lito Lapid ganon din po ang mga kinatawan ng ibat-ibang probinsiya mula sa Gitnang Luzon.
Ang pagbubukas ng CLARAA 2024 ay hindi lamang isang pagdiriwang ng sportsmanship at galing, kundi isang paalala rin sa bawat manlalarong kabataan na sa sipag at tiyaga, maaabot ang anumang pangarap at tagumpay.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!