Celebrating the life and legacy of Tatang Aping Yap

Celebrating the life and legacy of Tatang Aping Yap:
Muli po nating inalala ang kaarawan at ang buhay at legasiya ni Jose “Tatang Aping” Yap at nagbigay pugay din po tayo sa isa po sa pinakamahusay na lingkod bayan mula sa Bayan ng Victoria. Nagsagawa po tayo ng wreath laying sa kanyang dambana sa Victoria Municipal park na sinundan po ng isang misa na ginanap naman sa Monasterio de Tarlac.
Si Tatang Aping ay nagsilbing pinakabatang Alkalde sa ating bayan sa edad na 22. Nagsilbi rin po siya bilang Undersecretary ng Department of General Services noong 1963 bago naging Deputy Governor ng Land Authority noong 1964, Nahalal po siya bilang Congressman ng 2nd District of Tarlac mula 1965-1972.
Muli po siyang nahalal bilang congressman mula 1987 – 1998. at naging three-term governor ng Tarlac Province mula 1998 – 2007 bago muling nahalal sa kongreso.
MALIGAYANG KAARAWAN PO TATANG APING

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac