CANAREM WETLANDS- FLORA & FAUNA IDENTIFICATION, GEO TAGGING & BIRDING

Natapos narin po natin ang isa pa rin sa mga mahahalagang bahagi ng isinasagawa nating Critical Management Plan para sa Canarem Wetlands. Ito po ay ang Identification of Flora and Fauna at Occupants at Geo Tagging. Importante po na ma-identify o kilalanin natin ang Flora (Mga halaman) at Fauna (Mga Hayop) sa isang lugar upang mas maintindihan natin at mas mapangalagaan ang mga buhay ilang sa ating bayan. na kung saan isinusulong po natin ang sustainable ecotourism particular sa Canarem Lake.
Nakita rin po sa ating pag-iikot ang lalo pang pagdami ng mga ibon sa Canarem Wetlands na isa mga pinapangalagaan ng ating LGU at ng mga Local Birders, kaakibat na rin po nito ang pagbubukas n gating Birding Season kasabay ng pagdagsa ng mga migrant birds mula sa ibat-ibang bansa katulad ng mga Northern Shovelers, Pintails, Garganeys, Siberian Rubythroat , Eurasian Coots at mga endemic birds katulad ng vulnerable na Philippine Ducks, Wondering Whistling ducks, Philippine Swamphens atbp.
Maraming maraming salamat po sa lahat ng nagtutulong-tulong sa pangangalaga sa Canarem Wetlands, Sa Provincial Government of Tarlac- Gov. Susan Yap, Cong. Christian Yap, LGU Victoria, sa ating pong masipag na Punongbayan, Mayor Rex Villa Agustin na isa po parating nakatutuok at personal na nagsusulong sa proteksyon ng Canarem Wetlands, kasama din po niya si ViceMayor Tani Guiam at SB Members.
Espesyal na pasasalamat din po sa ating Canarem Wetlands Conservation Team, DENR-PENRO – Ma’am Celia Esteban, Sir Ray Nunez, Ma’am Lisa Cornes, Sa ating Legal Team sa napakalaking papel po na ginagampanan nila sa pagbuo ng ating Critical Management Plan – Atty. Ma. Lourdes C. Matias & Atty. Rochelle M. Del Monte, Tarlac Provincial Tourism Office, Sir Baby Lugay, Sir Dax Simbol, Sir Errol Sabile at Sir Ayron Timbol, Sir Ferdz Binuya sa pagbabahagi ng kanyang mga nalalaman patungkol sa mga ibon, Tarlac Agriculture University Ma’am Christine Ferrer, Sir Jerome Duque,, Victoria Tourism Office, Ma’am Lea Gracia and Staff, IT/Prod Team/ Canarem Wetlands Development Team Focal Person- Nald Rigor, Joey Jade Mauricio, John Vincent Fabellon, Menro- Ma’am Estela Apolonio and staff, GSO- Sir Emman Apacible at Engr. Claire Parayno, MPDO Sir Fernando Gallieto.
Photos: Sir Errol Sabile, Sir Dax Simbol and Sir Art Soriano
#maunladnavictoria
#mayorREX
#serbisyongMaYAP
#kalkasanmuna
#canaremwetlandsbirdsanctuary
#protectthelake
#visitcanaremwetlands
#sustainableecotourism
#visitvictoria

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac