BUHAYIN ANG PANGANGALAGA SA KALIKASAN


Isang simultaneous Bamboo at tree planting activity po ang isinagawa kamakailan, kung saan 300 seedlings ng native trees, partikular ang narra at banaba, ay itinanim sa New Clark City (NCC) River Park.
Parte po to ng “Buhayin ang Pangangalaga sa Kalikasan” na isang nationwide simultaneous tree planting activity ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Agriculture sa tulong ng national government agencies at local government units.
Ayon kay DENR Regional Executive Director Paquito Moreno Jr., ang naturang activity ay nagpapakita sa dedikasyon ng ating pamahalaan sa pangangalaga sa ating kalikasan, kasama ang 942,387 hektarya ng Central Luzon’s forest land.
Pinangunahan ni Gov. Susan Yap ang naturang programa kasama din po ang ibat-ibang ahensya at LGU’s kabilang na ang DENR, DILG, D.A. Pinangunahan naman po ng ating masipag na punongbayan, Mayor Rex Villa Agustin ang delegasyon ng Bayan ng Victoria, kasama po ang ating MLGOO Ma’am Cheng Mesina, MPDC Engr. Fernando Gallieto, MENRO, at mga kawani ng ating LGU. Maraming salamat po sa lahat ng nagtulong-tulong upang maging matagumpay ang naturang programa.

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac