
BRICK MOLDER DEMO
BRICK MOLDER DEMO- “ECO BRICKS”
Bilang tugon po sa lumalalang problema natin sa basura partikular na sa mga one-off plastic packets ay isinusulong po natin ang paggawa ng mga Eco-Bricks sa ating Material Recovery Facility kung saan gumagawa po tayo ng mga bricks na eco friendly at ang mga plastic na imbes na maging basura ay napapakinabangan pa natin at nabibigyan ng bagong buhay sa pamamagitan ng pag recycle sa mga ito.
Ito sa kasama pa rin po sa ating adbokasiya na ng pangangalaga sa kalikasan, mula sa pagiging “polluters” ay gumagawa po tayo ng epektibong solusyon sa plastic problem ng Victoria. Mula po sa mga plastic, botelya at iba pang non–recyclable materials ay nakagawa po tayo ng mga eco-friendly bricks o “ecobricks”. na magagamit natin bilang infrastructure materials.
Personal pong dinaluhan ang naturang demo ng ating Mahal na Pungongbayan, Mayor Rex C. Villa Agustin kasama po ng ating mga masisipag na MRF at MENRO personnels, GSO head Sir Emmanuel Apacible at Engr. Claire Parayno. Maraming salamat din po sa ating Vice Mayor, VM Tani Guiam at SB Members na kaantabay natin sa mga programang nangangalaga sa ating kalikasan.