
BIRTHDAY OF TATANG APING
BIRTHDAY OF TATANG APING Ngayong araw ay ipinagdiriwang po natin, maging sa simpleng paraan ng pag alala ang kaarawan ni Jose “Tatang Aping” Yap, isa po sa mga haligi ng Serbisyo Publiko hindi lamang sa bayan ng Victoria kundi maging sa buong Probinsya ng Tarlac. Si Tatang Aping po ay nagsilbing pinakabatang Alkalde sa ating bayan sa edad na 22. Nagsilbi rin po siya bilang Undersecretary ng Department of General Services noong 1963 bago naging Deputy Governor ng Land Authority noong 1964, Nahalal po siya bilang Congressman ng 2nd District of Tarlac mula 1965-1972. Ngasilbi rin po siya bilang government’s peace negotiator sa National Democratic Front at administrator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Dahil sa pagmamahal at hangaring makapagsilbi sa ating probinsiya, muli po siyang nahalal bilang congressman mula 1987 – 1998. at naging three-term governor ng Tarlac Province mula 1998 – 2007 bago muling nahalal sa kongreso. Ang Legasiya ni “Tatang Aping”, ay mananatili pong buhay sa bayan ng Victoria at sa Lalawigan ng Tarlac. Maligayang Kaarawan po Tatang Aping.