Skip to main content

Belenismo sa Tarlac 2023

Sa pangunguna po ng ating Punongbayan Rex C. Villa Agustin ay pormal na pong binuksan at pinailawan ang belen upang salubungin ang kapaskuhan sa ating bayan. Ito rin po ang ating opisyal na ‘entry’ para sa ika-16 na pre-judging ng taunang kumpetisyon sa paggawa ng belen o “Belenismo sa Tarlac”.
Ang “Belenismo sa Tarlac” po ay isang taunang kompetisyon sa probinsya ng Tarlac na tinaguriang “Belen Capital” na naglalayong hikayatin at itaas ang turismo sa pamamagitan ng paggawa ng mga belen na nagpapakita ng iba’t-ibang kultura at pagiging malikhain ng mga bayan sa ating probinsya.
Maraming salamat po sa ating Lokal na Pamahalaan Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam, SB Members at sa Tarlac Heritage Foundation-Isabel Cojuangco at Dr. Isa Cojuangco Suntay at PMGen Eden T. Ugale, Gen. Rudy Lacadin. Gayundin po sa ating Tourism Designate Ma’am Lea P. Gracia, sa disenyo ng ating Belen na mula sa kababayan natin na si Architect King Talon at sa lahat ng tumulong upang mabuo ang belen sa ating bayan para sa taong ito.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!