BAKUNA PARA SA ATING MGA SENIOR CITIZENS


Ang ligtas at mabisang mga bakuna ay mahalagang bahagi ng laban natin contra covid -19 at kung paano po natin mapoprotektahan ang ating mga kababayan. Mahalaga rin ang mga bakuna sa pagpapanumbalik sa normal ng ating mga pamumuhay. Ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay ibibigay nang walang bayad.
Sa pagpasok po natin sa bagong yugto ng ating paglaban sa COVID-19, higit pang mas mahalaga ngayon ang pagkuha ng impormasyon mula sa mga aprubadong pagkukunan. Ang maling impormasyon po ay hindi nakakabuti para sa atin lalo na sa panahong kailangan nating magtulungan upang labanan ang virus. Makukuha mo ang pinagtitiwalaang impormasyon mula sa iyong Doktor, Medical frontliners at mga BHW
Kaya naman po ang sa pakikipagtulungan ng DOH, Provincial Government of Tarlac Governor Susan Yap, Vice Governor Carlito David at SP Members, Local Government of Victoria sa pangunguna naman po ni Mayor Christian Yap, Vice Mayor Rex C. Villa Agustin at SB members ay isinasagawa po natin ang libreng bakuna para sa A2 Category – Senior Citizens. Atin pong tandaan, ang bakuna ay ligtas at ito po ang sandata natin upang wakasan ang pandemyang dulot ng Covid-19.
#Resbakuna
#SerbisyongMayap
#GobyernongmaYAP
#VictoriaLabanCovid
#BakuNATION
#TaoMuna
#KalusuganMuna

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac