Awarding of Municipal Educational Assistance Program


Awarding of Municipal Educational Assistance Program “SCHOLAR NG BAYAN” Sa kabila po ng pandemyang ating kinakaharap ay patuloy po tayo sa pagpapaabot ng tulong para sa ating mga scholars sapagkat naniniwala po ang Lokal na Pamahalaan sa kahalagahan ng ng edukasyon, sapagkat ito ang magiging sandata ng ating mga kabataan sa pagharap nila sa mga hamon ng buhay. At upang matulungan po sila sa patuloy nilang pagabot sa kanilang mga pangarap ay muli po tayong namahagi ng financial assistance para sa ating mga “Scholar ng Bayan”, ito po ay ang programa ng ating Lokal na Pamahalaan na naglalayong matulungan sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinasiyal para sa kanilang pagaaral at upang makatulong sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan at upang sa kalaunan ay makatulong din po sila sa kanilang mga pamilya at sa gayon din sa pagpapaunlad sa ating lipunan. Maraming salamat din po sa ating Lokal na Pamahalaan ng Victoria sa pangunguna po ng ating Butihing Mayor Christian Yap , Vice Mayor Rex C. Villa Agustin at SB Members sa kanilang pagsusumikap na maihatid ang serbisyong sapat at nararapat para sa bayan ng Victoria. #SerbisyongMaYAP #GobyernongMaYAP #MaunladNaVictoria #EdukasyonMuna #ScholarNgBayan

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac