AWARDING OF FINANCIAL GRANT FROM PAGCOR


Sa pagdaan po natin sa krisis na dulot ng Covid-19, malaki po ang naging epekto nito hindi lamang sa ating bayan kundi sa buong mundo. Tayo po sa Lokal na Pamahalaan ng Victoria ay walang patid ang pagsisikap sa patuloy na pagtupad sa ating mga tungkulin at upang patuloy na ibangon ang Bayan ng Victoria sa mga epekto ng covid-19.
Kaya naman po mapalad po tayo sapagkat isa po ang Victoria sa nabigyan ng tulong pinansiyal mula sa PAGCOR. Ang naturang financial grant po ay gagamitin po natin para sa pagpapagawa ng Multi-Purpose Evacuation Center na magagamit po natin sa ibat-ibang sakuna sa ating bayan. Ilalaan din po natin ang naturang pondo para sa ibat-ibang health related projects . Umasa po kayo na patuloy po ang aming pagpupursigi para sa maunlad at ligtas na Victoria.
Maraming maraming salamat po sa lahat ng bumubuo ng PAGCOR sa pangunguna po ni Chairman Andrea Dizon Domingo- Chairman and CEO, Mr. Alfredo Cereza Lim-President and COO, Director Gabriel Claudio at sa lhat po ng bumubuo ng PAGCOR. Ito po ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Victoria, kasama po ang inyong lingkod Mayor Christian Tell Yap, Vice Mayor Rex C. Villa Agustin, SB members at Atty. Warren Wyndell Sarsagat
#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#parasamaunladnavictoria
#TaoMuna

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac