Skip to main content

AWARDING OF CERTIFICATE OF RECOGNITION

AWARDING OF CERTIFICATE OF RECOGNITION:
Isang pagbibigay pugay para sa ating mga kababayang nagpamalas ng kanilang galing at husay para sa katatapos lamang na CLRAA 2024 na kung saan ay ginanap ito sa Probinsya ng Tarlac. Ang naturang mga manlalaro ay hindi lamang dala ang Pangalan ng Victoria kundi pati na din ang buong probinsya ng Tarlac.
Kasabay ng ginanap na flag ceremony ngayong araw ay pinangunahan ng ating Punongbayan Rex C. Villa Agustin ang pagbibigay ng sertipiko ng pagkilala sa mga lumahok at sa kani-kanilang coach. Ang mga naturang estudyanteng nagwagi po ay lalahok naman sa Palarong Pambansa 2024 na gaganapin sa Cebu City.
Handog po sa atin ito ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam at SB Members. Maraming salamat din po sa ating Municipal Sports Coordinator Designate- Sir Michael Villa Agustin, sa ating mga manlalaro, mga guro, magulang at kanilang mga Coach.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!