Skip to main content

ASIAN WATERBIRD CENSUS 2021

ASIAN WATERBIRD CENSUS 2021: Muli pong nagsagawa ang DENR ng taunang Asian Waterbid Census sa Canarem Lake Bird Sancturary. Ang Asian Waterbird Census ay naglalayong i-monitor ang populasyon at distribution ng mga waterbirds sa ibat-ibang wetland sites kasama po ang Canarem Lake. Ang Canarem lake ay isa sa mga pinakaimportanteng wetlands na nagsisilbing tahanan at kanlungan ng mga endemic at migrant birds na bumabyahe sa East Asian Australasian Flyway. At napakaganda pong balita sapagkat patuloy po na nadadagdagan ang populasyon ng mga ibon sa Canarem Lake dahilan sa patuloy na pagdagsa ng mga bird photographers at enthusiasts sa lugar, mahalaga din po ito hindi lamang po para sa ating turismo kundi na rin sa pagpapanatili ng balanse at malusog na sapagkat ang mga ibon ay indicator ng malusog na ecosystem. Maraming maraming salamat po sa Lokal na Pamahalaan ng Victoria -Mayor Christian Yap, VM Rex Villa Agustin, SB Members, Provincial Tourism Office, Municipal Tourism Office, Sir Jops Josef sa pagtulong sa amin sa pagbibilang, DENR Regional Office, DENR Province.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!