Skip to main content

Agri-Trade Fair 2024

Nagbukas na po ang 2 araw na Agri-Trade Fair na bahagi pa rin po ng selebrasyon natin ng Kanibon Festival 2024. Ito po pinangunahan ng ating Municipal Agriculture Office.
Ang Agri Trade Fair ay mahalagang programa sa larangan ng agrikultura na naglalayong magbigay ng pagkakataon sa ating mga magsasaka, negosyante, at iba pang stakeholders na ipakita at maisulong ang kanilang mga produkto.

Ang ating Agri Trade Fair ay nagbibigay din ng pagkakataon para sa pagpapalitan ng teknolohiya sa larangan ng agrikultura na naglalayong ipakita ang mga bagong teknolohiya at pamamaraan sa pagsasaka at pagnenegosyo na makatuulong para sa mas maayos at mas mabungang produksyon.

Nakakatulong din ito sa pagsusulong ng lokal na ekonomiya sa bayan ng Victoria at nagbibigay ng suporta sa mga maliliit na negosyong pangsakahan at pang negosyo.
Sa pangkalahatan, ang Agri Trade Fair ay isang lugar kung saan nagbubukas ng mga oportunidad para sa pag-unlad at pagsulong ng sektor ng agrikultura. Ito’y din nagbibigay daan para sa pagkakaroon ng mas maraming kaalaman, at pagkakataon na makatulong sa mas maayos na pag-unlad ng agrikultura sa bayan ng Victoria.
Maraming maraming salamat po sa ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Rex Villa Agustin, Vice Mayor Tristan Reevo Guiam, SB members, Department Heads, Municipal Agriculture Office, sa atin pong Ina ng bayan ng Victoria, Mayora at Raniag Women’s Ogranization President, Mdm. Alice Villa Agustin , mga barangay at organisasyon na nakilahok.

Photos: Victoria IT /Production Office

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!