Skip to main content

Victoria Blood Letting Program

“Be someone’s lifeline; Donate Blood”

Ang pag-donate ng dugo ay isang paraan upang makatulong sa pagligligtas ng buhay ng ating kapwa. Sa bawat patak ng dugo na iniaambag natin, ay nagbibigay tayo ng pag-asa na madugtungan ang buhay ng mga nangangailangan nating mga kababayan at tayo ay nagiging instrumento ng pag-asa sa mga indibidwal at sa ating komunidad.
Bukod dito maraming benepisyong ang maaaring makuha sa pagdodonate ng dugo. Ayon sa Health Psychology ay mas humahaba ang buhay ng mga taong nagdo-donate ng dugo sa rami ng mga medical benefits gaya rin ng pagbaba ng oxidative stress sa blood vessels. Kaya naman muli po tayong nagkaroon ng Blood letting activity na kung saan regular po ang pakikilahok ng ating LGU sa makabuluhang proyekto an ito.
MARAMING SALAMAT po sa ating mga kababayang BLOOD DONORS na walang sawang sumusuporta at nagbibigay tugon upang tayo ay makalikom ng sapat na supply ng dugo na maaaring magdugtong sa buhay ng mga kababayan nating nangangailangan.
Ang programang ito po ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Tarlac Provincial Hospital, LGU Victoria, Mayor Rex C. Villa Agustin, VM Tani Guiam, SB members, RHU I- sa pangunguna po ni Dra. Nelin Tacasa, RHU 2 sa pangunguna po ni Dra. Ma Janet Dimacali-Descalso, sa lahat po ng mga nurses at staff na kasama po natin sa pagsisiguro na ligtas ang ating mga kababayan.
#DonateBloodSaveLives
#EveryDropCounts
#maunladnavictoria
#mayorRVA
#malusognavictoria

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!