Skip to main content

2nd SEMESTRAL SOCIAL PENSION REGIONAL PAYOUT

Ipinamahagi na po natin kamakailan ang 2nd semestral social pension ng ating mga Senior Citizens. Ito po ay alinsunod sa RA 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010 na naglalayong matulungan at maiayos ang pamumuhay ng ating mga senior citizens. Ang naturang Social Pension pong ito ay ilan lamang sa mga benepisyong ating ipinapahatid upang kilalanin at bigyan ng pagpapahalaga ang mga kontribusyon ng ating mga senior citizens sa ating bayan.
Ang programa pong ito ay naihatid sa pamamagitan ng ating Lokal na Pamahalaan na pinangungunahan ng ating Mayor Rex C. Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam, SB Members at sa ating MSWDO Ma’am Catherine Gacutan. Maraming salamat din po sa Department of Social Welfare and Development Region III(DSWD R-3) at gayundin po sa ating Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!