Skip to main content

MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

Para sa ating Regular Monday flag raising ceremony na pinangunahan ng ating Budget at Human Resources office na kung saan ay tinalakay nila ang mga accomplishments ng bawat opisina , sa pangunguna po ito ng ating masisipag na MBO Ma’am Myrna Ben at Ma’am Angelina Arabia.
Kasabay din po nito ang pagawad ng parangal para sa nagwagi sa on the spot drawing contest ng BFP, na may temang “Bumbero sa Pamyanan, Kasangga, Kaibigan” na bahagi pa rin po ng kanilang selebrasyong ng Community relations week.
Iginawad din po ang sertipiko ng pagkilala sa mga mahuhusay nating hairdressers na nagbahagi ng libreng haircutting sa ating mga kababayan. Ito ay pasasalamat sa ipinakita nilang dedikasyon sa pagtulong sa iba na magtagumpay at magkaroon ng kakayahang magtrabaho sa larangan ng haircutting. Ang programang ito po ay pinangunahan naman ng ating DSWD.
Pinangunahan po ang mga naturang programa ng ating masipag na Punongbayan, Mayor Rex Villa Agustin, ViceMayor Tani Guiam at SB Members.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!