Skip to main content

2023 NATIONAL WOMEN’S MONTH CARAVAN OF SERVICES

Bilang Bahagi pa rin po ng selebrasyon natin ng National Women’s Month ay patuloy pong kinikilala ng ating lokal na pamahalaan ang mahalagang kontribusyon ng mga kababaihan sa ating lipunan .
Hinikayat ang mga empleyado na magsuot ng nasabing kulay ng damit tuwing Miyerkules ngayong buwan ng Marso upang ipahiwatig ang suporta para sa pagbibigay ng kapangyarihan sa mga kababaihan lalo na sa mga nasa gobyerno at serbisyo publiko.
Ginanap po ang ibat-ibang programa sa kabilang na ang paghahatid ng Caravan of Services para sa ating mga kababayan para sa pagtataguyod ng mahalagang pakikilahok ng kababaihan sa sosyo-ekonomikong pag-unlad ng ating bayan at ng komunidad.
Kabilang pos a caravan of services ang mga sumusunod: Self-Breast Examination, Free Legal Consultation mula sa ating mga mahuhusay na Legal Consultants, Atty. Ma. Lourdes M. Navarro, Atty. Rochi Del Monte at Atty. Sharmaine Valenzuela, Reproductive Health Services mula naman pos a ating RHU I & 2 – Dra. Nelin Tacasa at Dra. Ma. Janet Descalso , Product Showcase mula sa ating Local Livelihood Group, kasama din po sa naturang programa ang Seminar para sa Gender Sensitivity mula kay Ma’am Cherry Eve Mesina- at KASIMBAYANAN mula naman sa ating PNP sa pangunguna ni PMAJ. Glenn Santiago, maraming salamat din po sa ating DSWD sa pangunguna naman ni Madam Elena Jalos.
Ang pagdiriwang po ngayong taon na nagbibigay-diin sa mga mahahalagang papel na ginagampanan ng kababaihan sa pagsulong ng pag-unlad ng bayan at sa pagtataguyod ng mga inclusive approach para sa lahat.
Isang Taos Pusong po sa ating LGU sa pangunguna ng ating masipag na Punongbayan, Mayor Rex C. Villa Agustin, Vice Mayor Tani Guiam at SB Members.

Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac
error: Content is protected !!