2021 INDEPENDENCE DAY CELEBRATION

Noong nakaraang sabado ay ipinagdiwang po natin ang ika 123 taon ng ating kalayaan, kung saan ginanap po ang isang simple ngunit makabuluhang selebrasyon, isang pagpugay po sa lahat ng magigiting nating mga kababayan na nakipaglaban para sa ating kasarinlan, kasabay na rin ditto ang pagdiriwang natin para sa patuloy nating laban sa Covid-19 at ang dasal natin na maging malaya na tayo sa pandemyang dulot nito.

Pinunganahan po ng inyong lingkod, Mayor Christian Yap kasama po si Vice Mayor Rex C. Villa Agustin , SB members, PNP, BFP , Victoria Tourism Office at mga kawani ng ating Lokal na Pamahalaan ang pagdiriwang.

Atin din pong alalahanin di lamang ang buhay at sakripisyong inalay para sa ating kasarinlan, kung di pati na rin ang mahalagang pag-uugali na siyang humubog at nagbunga ng ating dakilang bayan, ang minamahal nating Pilipinas.

Ating isapuso ang katapatan, kabutihan at karangalan sa pang-araw-araw nating gawain, at sa ating pagtupad sa sinumpaang tungkulin. Mabuhay tayong lahat!

#SerbisyongMaYAP
#GobyernongMaYAP
#maunladnavictoria
#arawngkalayaan2021

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Official Website of Municipality of Victoria, Province of Tarlac