Scholar ng Bayan

Mahalaga po ang edukasyon sapagkat ito ang magiging sandata ng ating mga kabataan sa pagharap nila sa buhay. At upang matulungan po sila sa patuloy nilang pagabot sa kanilang mga pangarap ay muli po tayong namahagi ng financial assistance para sa ating mga “Scholar ng Bayan”, ito po ay ang programa ng ating Lokal na Pamahalaan na naglalayong matulungan sila sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan at upang sa kalaunan ay makatulong din po natin sila sa pagpapaunlad sa ating lipunan, ang mga naturang financial assistance ay tinanggap ng kanilang mga magulang bilang pag-iingat na din po natin sa Covid-19.

Maraming salamat din po sa ating Lokal na Pamahalaan ng Victoria sa pangunguna po ng ating Butihing Mayor Christian Yap , Vice Mayor Rex C. Villa Agustin at SB Members sa kanilang pagsusumikap na maihatid ang serbisyong sapat at nararapat para sa bayan ng Victoria.

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
https://www.facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!