PUI vs PUM

Para po sa kaalaman ng lahat:

Kapag nadeklarang PUI or person under investigation po ang isang tao ay hindi po nangangahulugan na positive na po sila for covid-19. Sila po ay nadeklarang PUIs sa kadahilanang sila ay may posibilidad na na-expose sa isang taong may Covid-19.

Patungkol rin po sa kumakalat na video, na diumano ay may positve case na tayo sa ating bayan, ito po ay walang katotohanan, ang binabanggit po sa video ay PUI at hindi positive case. Sa kasalukuyan ay nanatili pong Covid-19 free ang bayan ng Victoria.

Sa ngayon po ang mga PUI’s po natin ay nasa maayos po na kalagayan at kasalukuyang naka strict home quarantine. Umasa po kayo ginagawa po ng ating Lokal na Pamahalaan ang lahat upang gawing ligtas ang bawat isa at maiwasan po natin ang pagkakaroon ng Covid -19 sa ating bayan. Hiling po namin na patuloy po tayong sumunod sa mga alituntunin ng ating Lokal na Pamahalan.Maraming maraming salamat po.


Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!