National Breastfeeding Awareness Month

Ngayong buwan ng Agosto ay National Breastfeeding Awareness Month! Bilang pagdiriwang, atin pong i-BIDA ang pagpapasuso tungo sa wais at malusog na pamayanan! Kasabay po nito ay namahagi po tayo ng Breasfeeding kits at Buntis kits para sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po sa DOH, PGT sa pangunguna po ni Gov. Susan Yap, VG Atty. Carlito David at SP Members at sa Lokal na Pamahalaan ng Victoria sa pangunguna po ng ating butihing Mayor Christian Tell A. Yap, VM Rex Villa Agustin at SB Members.

Isang taos-pusong pasasalamat din po ang aming ipinaabot sa ating mahal na Ina ng Bayan na si Ma’am Melissa Yeung Yap sa lahat po ng tulong at sa patuloy po nyang pagsuporta sa ating mga programa.

Ang breastfeeding o pagpapasuso ng gatas ay ang pinakamahalagang paraan ng pagpapakain sa mga sanggol. IPinoprotektahan ng gatas ng ina ang iyong sanggol laban sa:

• sobrang timbang o katabaan
• sakit ng bituka
• ubo at sipon
• dyabetis
• mga impeksyon sa tenga
• Sudden Infant Death Syndrome, SIDS
• ilang mga kanser ng bata
• mga epekto ng mga nakalalasong bagay sa
kapaligiran
Pinoprotektahan ka ng pagpapasuso laban sa:
• kanser sa suso
• dyabetis
• kanser sa obaryo
Tinataguyod ng pagpapasuso ang pagkamalapit
at pagbubuklod ng ina at sanggol
#SerbisyongMaYAP
#DitoSaVictoriaTaoAngUna
#ParaSaMaunladNaVictoria
Let’s support breastfeeding for a #HealthyVictoria

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
https://www.facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!