LAKBAY ARAL- Materials Recovery Facility-Municipality of Moncada

LAKBAY ARAL- Materials Recovery Facility- Bayan ng Moncada:

Naglakbay aral po tayo kasama ang mga department heads at mga Brgy. Captains sa bayan ng Moncada upang bisitahin ang kanilang MRF o Materials Recovery Facility.

Upang masolusyunan ang patuloy na problema sa basura sa ating bayan, ating isinusulong ngayon ang pagsasa ayos muli ng ating Material Recovery Facility sa Brgy. Palacpalac kasama po ang ating mga barangay. Ang mga recyclable waste ay maaaring mag-generate ng kita para sa ating bayan sa pamamagitan ng paggawa sa mga compost waste na maaaring magamit sa organic farming, maari ring maging eco-bricks ang mga lumang bote.

Pag naisakatuparan po natin ang maayos ng pagpapatakbo sa ating MRF ito ay magreresulta sa Dagdag na kita at mas konting Basura para sa ating Bayan.

Maraming salamat po sa Bayan ng Moncada sa pangunguna ni Mayor Lita Aquino at sa kanilang Menro Officer Mdm. Wilma Balgos.