Ibalik ang Kalsada sa Motorista at ang Sidewalk sa Tao

STREET CLEARING OPERATIONS:

Sa direktiba po ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 2019-121 na inilabas ng ating Kalihim ng DILG na si Eduardo Año na nagu-utos sa paglilinis ng mga pangunahing kalsada, tayo po ay tumugon at nagkaroon ng inisyal na inspeksyon at dry run sa ating mga kalsada upang lumuwag at maibalik sa tao ang tamang paggamit ng kalye.

Sa mga kababayan po nating motorista at may ari ng mga business establishments, para sa ating lahat po ito, sa konting sakpripisyo ang kapalit po nito ay malaki at pangmatagalang ginhawa sa ating lahat, naway tulungan nyo po kami sa pagsasakatuparan ng mga direrktibang ito upang maging maayos po ang ating mga kalsada.

Nagpapasalamat po kami sa mga kasamahan natin sa ating Lokal na Pamahalaan, mga taga Barangay at sa ating Lokal na kapulisan sa pagtulong po sa amin sa pagpapatupad ng nasabing direktiba.

#MaunladNaVictoria
#IbalikSaTaoAngKalsada
#SerbisyongmaYAP