Bawal Magsunog RA 9003 at RA 9514

Sa panahon po ng pangdaigdigang pandemya na dulot ng Covid-19, mas lalo po na pinapa-alalahanan lahat na ingatan po ang ating kalusugan.Kaya naman po tayo ay patuloy sa pagpapatupad natin ng RA 9003 at RA 9514 na nagbabawal sa open burning ng solid waste, at kasama riyan ang agricultural waste, mga tuyong dahon at sanga.

Patuloy po ang pag-iikot ng ating mga Task force upang manghuli at siguruhin na naipapatupad po ng maayos ang nasabing panukala.

Nagdudulot ito ng polusyon sa hangin at panganib sa tao. Ang paglanghap ng usok mula sa apoy ay maaring magdulot ng malalang ubo, sipon, pulmonya, bronchitis, impeksyon sa baga, at kung anu-ano pang sakit sa baga na nagdudulot ng higit na panganib sa pagkakaroon ng Covid-19.

Contact us

Address:
Rizal St., San Gavino, Victoria, Tarlac

Phone:
0905-723-5952 | 0950-899-7341

Email:
otmlguvictoria[at]gmail.com

Official FB Page:
https://www.facebook.com/maunladnavictoria

Copyright © 2020. Municipality of Victoria, Province of Tarlac. All rights reserved.
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!